PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS
Rehiyong
Bikol
MAPULANG
PAGSALUDO KAY KASAMANG JOEL ASCUTIA
Militanteng
Transport
Lider-Organisador,
Mahusay
na Komunista
IGINAGAWAD
ng Partido Komunista ng Pilipinas sa rehiyong Bikol ang pinakamataas na
parangal para kay Kasamang Joel Ascutia, na nakilala bilang Ka Billy sa
kilusang lihim sa kalunsuran, o bilang Ka Pepe para sa mga pulang mandirigma ng
BHB at ng masang magsasaka sa kanayunan.
Si
Kasamang Joel ay isa sa mahuhusay na lider na nagmula sa hanay ng karaniwang
tsuper, at pinanday sa kanyang dalawang dekadang aktibismo sa hanay ng
militanteng kilusan sa sektor ng transportasyon sa Bikol.
Ipinanganak
siya noong Setyember 27, 1966 sa Daraga, Albay. Nagmula siya sa uring
manggagawa, nakagisnan na ni Joel ang hikahos na pamumuhay sa syudad.
Nagtrabaho
siya bilang manggagawa sa Universal Robina Corporation,
naging myembro siya ng unyon noong 1982. Doon na nagsimula ang kanyang
pagkamulat sa kilusang manggagawa, sa pinagsasamantalahan nilang kalagayang
mababa ang sahod, kulang sa benepisyo at kawalan-ng-seguridad sa empleyo sa
harap ng malawakang tanggalan at kontraktwalisasyon.
Noong
1990, naging tricycle driver siya sa Legazpi City at naging lider siya ng
pinaka-militanteng tricycle organization ditto, at naging Secretary General ng
CONDOR noong 1992. Nang maugnayan siya ng mga organisador sa transportasyon
noong 1990, aktibo siyang nakalahok sa mga talakayan at pag-aaral sa kalagayan
ng lipunan, na lalo pang nagpatalas sa kanyang paninindigang pampulitika. Mula
noon, masigasig siyang nagmulat, nag-organisa at nagpakilos ng mga kapwa niya
tsuper hanggang sa buung-buo niyang ibinuhos ang kanyang oras, lakas at talino
para sa paglilingkod sa sambayanan.
Isa
siyang prinsipyadong lider-organisador at pinakamasipag na aktibista sa sektor
ng transportasyon. Mula pa noong 1994, buong panahon siyang kumilos at
naorganisa sa sektor ng transportasyon at sa hanay ng mga maralitang
taga-lunsod.
Nang
mahalal siya bilang Secretary General ng CONDOR-PISTON Bicol noong 1995,
pinangunahan niya ang matatagumpay na transport strike at mga pagkilos ng mga
drayber at maliliit na operators sa rehiyon. Maramihang napalahok sa mga
pagkilos ang mga karaniwang tsuper at mamamayan. Naisanib sa mga pambansang
pagkilos at welga ng mga tsuper ang mga lokal na isyu sa sektor. Sa harap ng
papatinding krisis at kahirapan sa kabuhayan ibinandera ang mga pagkilos sa
lansangan laban sa overpricing sa
langis, Oil Deregulation Law at pagbasura ng VAT sa langis.
Dalawang
dekada siyang tuluy-tuloy na naglingkod bilang matapat, masigasig, masipag at mahusay na
lider-organisador, at nakapag-ambag nang malaki sa pagsulong at pagpapatatag ng
organisadong sektor ng transportasyon sa buong rehiyon. Puspusan siyang
nakibaka, simple sa pamumuhay, at iwinaksi ang pagkamakasarili para mailaan ang
sarili para sa rebolusyon.
Subok
at pinatatag siya ng pakikibaka. Kaya hindi siya natinag nang gipitin siya ng
pasistang estado. Binaril siya ng death squad ng 9th ID sa kasagsagan ng isang
nationwide transport strike noong Hulyo
13, 2009. Tinangka siyang patayin noon para patahimikin, ngunit matapos
magpagaling ng kanyang sugat, nagpatuloy siya sa pagkilos. At nakaranas pa ng
mga panggigipit, panghaharas at pagbabanta mula sa mga intel operatives ng 9th
ID.
Ang
pandarahas ng estado ang lalong nagpaalab sa mapanlabang diwa ni Ka Joel.
Tinahak niya ang landas ng armadong paglaban, bilang pangunahing anyo ng
pakikibaka sa pagsusulong demokratikong rebolusyong bayan, na siyang tanging solusyon sa krisis at pasismo na
nararanasan ng mamamayan. Sumapi siya sa Bagong Hukbong Bayan at niyakap ang
armadong pakikibaka.
Pinararangalan
natin si Ka Joel bilang bayani ng rebolusyon na nag-ambag ng kanyang buhay,
lakas, talino at kakayahan para sa pagsusulong na matagalang digmang bayan.
Si
Kasamang Joel Ascutia ay isang magiting na lider-manggagawa at matatag na
rebolusyonaryo.
Tularan
si Kasamang Joel Ascutia, humawak ng armas!
Ipagwagi
ang digmang bayan!
PKP-Bikol
Mayo
12, 2012
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento