(Setyembre 27,
1966 - Mayo 8, 2012)
Bayani ng mga Tsuper at ng Mamamayan
Dakilang Transport Leader, Aktibista, Kaibigan, Kasama
Si KasamangJoel Ascutia ay dating
manggagawa sa Universal Robina Corporation at naging myembro siya ng unyon. Taong 1989, nang magsimula siyang
mamasada bilang isang tricycle driver sa Legazpi City.
Dalawang dekadang
masigasig na naglingkod sa mga kapwa niya tsuper at sa mamamayan (1991-2011). Isang
mahusay na Transport Leader sa Bicol at sa buong bansa.
1991-1994: Naging opisyal siya ng MOTOR-CONDOR ang pinaka-militanteng tricycle organization sa Legaspi City.
1995 -2005: Gumampan bilang Secretary
General ng CONDOR-PISTON-Bicol mula noong Nobyembre 1995.
2005 - 2011: Nahalal bilang Regional president CONDOR PISTON-
Bicol sa ika-5 Kongreso
nito noong Abril 25-26, 2005.
nito noong Abril 25-26, 2005.
- Masigasig si Ka Joel sa pag-oorganisa sa mga tsuper sa 3rd district ng Albay, at sa mga driver ng bus at van sa buong rehiyon. At masipag siya sa pagbibigay ng mga pag-aaral kaugnay sa PAMATO at sa mga isyung Oil Price Hike.
- Umikot siya sa mga terminal at mga local na organisasyon ng jeep at tricycle para sa mga konsultasyon at upang alamin ang mga problemang kinakaharap ng mga maliliit na tsuper at transport operators.
- Sa Sorsogon, isa siya sa mga tumulong upang mapalakas ang pederasyon ng transport organizations sa buong prubinsya. Mula sa Provincial Transport Association (PORTA) ay na transporma ito sa militanteng CONDOR-PISTON-Sorsogon.
- Sa Catanduanes, tumulong siya sa pagbubuo ng Federation of Virac Tricycle Operators and Driver Organization (FEDVITODA).

2003 – 2011: Nahalal bilang kagawad ng National Council at National
Executive Committee ng PISTON;
2003 - 2007: Nahalal bilang National Auditor ng PISTON;
2003 - 2007: Nahalal bilang National Auditor ng PISTON;
2007
- 2011: Nahalal bilang National Deputy Secretary
General ng PISTON sa ika-3 Kongreso ng PISTON. At
nag-resign sa tungkulin noong Hunyo 2011.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento