BAGONG ALYANSANG
MAKABAYAN-BICOL
664 G/F
Encarnacion Bldg., Brgy. 17 Rizal St., Legazpi City
TAUS-PUSO AT TAAS-KAMAONG PAGPUPUGAY
KAY KASAMANG JOEL ASCUTIA.
Itinulak ng taus-pusong pagmamahal sa masa at sa makabayang
hangaring lumaya ang Sambayang Pilipino mula sa makauring pagsasamatala at
pang-aapi ng imperyalismo, burukrata-kapitalismo at pyudalismo, walang pagsasaalang-alang
sa sarili na inialay ni kasamang Joel Ascutia ang kanyang buhay.
Itinalaga niya ang kanyang sarili sa paglilingkod sa
sambayanan at inilaan angbuhay sa pakikibaka para sa pambasang demokrasya at
kalayaan. Naging mahusay na organisador at matapang na lider aktibista sa sektor
ng transportasyon. Nahalal bilang pangulo ng CONDOR-PISTON-BICOL sa taong
2005-2011. Matapat, mahusay at masigasig
na pinamunuan niya ang organisasyon sa transportasyon sa matatagumpay na pakikibakang
masa.
Nagingbiktima siya ng mabangis at madugong Oplan Bantay Laya I & II. Tinangka ng mga ahente ng reaksyunaryong Gobyerno na siya ay
nyutralisahin sa pamamagitan ng mga malisyoso at gawa-gawang mga paratang upang
sirain ang kanyang kredibilidad sa masa.
Dumanas din siya ng harassment at pananakot. Noong Hulyo 13, 2009 habang
pinapangasiwaan niya ang regional transport strike sa pakikiisa sa koordinadong
isinasagawang nationwide transport strike noon ay patraydor siyang binaril subalit
na bigong siya ay patayin.
Mulat at tanggap ni kasamang Joel ang katotohanan na
ang kahirapan, sakripsiyo at kamatayan ay di maiiwasang bagay sa pakikibaka para
sa pambansang demokrasya at kalayaan. Kailan
man ay di natinag ang kanyang prinsipyo at paninindigan sa kabila ng mga pagtatangkang
siya ay nyutralisahin at patahimikin. At
dahil pinanday ng pakikibakang masa ang sarili, hindi siya bumitaw. Bagkus ay
higit pa siyang nagpunyagi.
Marahil upang lubusang ialay ang sarili para sa paglaya
ng Sambayanang Pilipino mula sa makauring pagsasamatala at pang-aapi ng mga naghaharing
uri, mapagpasyang pinili niya ang pinakamataas na porma ng pakikibaka – ang armadong
pakikibaka. Mulat sa katotohanang sa pag-alay
ng buhay ay di maiiwasan ang kamatayan.
Si kasamang Joel ay isa lamang sa dumaraming martir ng bayan na biktima ng
mapanlinlang at marahas na Oplan Bayanihan ng rehimeng US-Aquino.
Katulad ng libo-libong mga martir ng bayan na
nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan, ang kamatayan ni kasamang Joel ay kayamayan
na kasing bigat ng Bulkang Mayon. Marapat lamang na ibigay natin sa kanya ang pinakamataas
na pagpupugay na laan sa mga martir ng bayan.
Mainit na pagpupugay sa lahat ng martir ng bayan!
Mabuhay ang Sambayang Pilipino
Isulong ang pakikibaka para sa pambansang demokrasya
at kalayaan!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento